Tuesday, December 14, 2021

MAGUAD SIBLINGS CASE

 MAGKAPATID NA ANAK NG PRINCIPAL PATAY NG PAGTATAGAIN SA LOOB MISMO NG KANILANG TAHANAN SA MLANG


NALILIGO sa sariling dugo at wala ng buhay ng datnan ng kanilang ama sa loob mismo nang kanilang tahan ang magkapatid sa M'lang Cotabato nitong hapon ng December 10, 2021.


Kinilala ang dalawang nasawi na sina Crizzel Gywn Maguad, 18 taong gulang, estudyante ng USM Kabacan at nakakabatang Kapatid nito na si Crisville Louise Orbe Maguad, 16 na taong gulang at estudyante ng M'lang National High School.


Samantala nakaligtas naman ang isa pang kasama nila sa bahay na si Alyas "Nice", nasa wastong edad at working student matapos umanong makatago sa loob ng kwarto.


Ayon pa sa imbestigasyon ng Mlang Pnp, pinasok umano ng nasa tatlong lalaking suspek na walang pagkakakilanlan ang bahay ng pamilya Maguad sa Barangay road, Purok San Isidro, Barangay Bagontapay, Mlang Cotabato pasado alas 2 ng hapon at doon pinagtataga hanggang sa mapatay ang magkapatid na Maguad.


Nakabusal pa ang bunganga ng nakakabatang Maguad ng abutan ng mga pulis na rumesponde sa lugar.


Samantala nagawa pang e post sa social media ng nakaligtas na working student na pinasok umano sila ng mga suspek at humihingi ito ng tulong dahil ayaw pa nyang mamatay.


Sa ginawang imbestigasyon naman ng SOCO narekober mula sa pinagyarihan ng krimen ang patalim na ginamit sa pagpaslang sa magkapatid at duguang damit ng isa sa mga suspek.

 

Mariin namang kinondena ni Vice Mayor Joselito F. Piñol ang nangyaring karumal dumal na krimen sa bayan at agad na nanawagan ng magbibigay ng 200,000 pabuya sa sinumang makakapag turo sa mga may kagagawan.


Magbibigay naman ng karagdagang tig 50,000 pesos si Mlang Mayor Atty Russel M. Abonado at Tulunan mayor Pip Limbungan sa sinumang makakapag turo sa mga suspek.


Hindi naman naniniwala ang kapitan ng Barangay Bagontapay na si Kapitan Nestoy Javier na pagnanakaw lang ang motibo ng mga suspek dahil sa tindi ng mga sugat na tinamo ng magkapatid.


Nanawagan naman si Lt. Col Realand Mamon Hepe ng Mlang Pnp sa posibleng nakakakilala sa mga suspek sa lumapit lamang sa kanilang himpilan at sinisiguro nitong poprotektahan ang pagkakakilanlan ng sino mang makakapag turo.


Sa ngayong patuloy pa ang ginagawang malalimang imbestigasyon ng pnp kaugnay sa nangyaring karumal dumal na sinapit ng magkapatid upang matukoy ang motibo at kung sino ang nasa likod ng krimen.

CCTO: https://www.facebook.com/skyradio983

No comments:

Post a Comment

MAGUAD SIBLINGS CASE

 MAGKAPATID NA ANAK NG PRINCIPAL PATAY NG PAGTATAGAIN SA LOOB MISMO NG KANILANG TAHANAN SA MLANG NALILIGO sa sariling dugo at wala ng buhay ...